Matuto na sana tayo sa ating mga Kamalian at mga Pagkukulang – PNoy


President NoyNoy Aquino during the inauguration of the Calaanan Relocation Site for the Victims of Typhoon Sendong (International Name: Washi) in Cagayan de Oro. Beside him is DSWD Secretary Dinky Soliman.

The President said that the national government, through the Department of Social Welfare and Development (DSWD), in cooperation with the National Housing Authority and the private sector, has allocated some 200 million pesos for the building of permanent houses for the typhoon victims

Below is the speech of President NoyNoy during his second visit in Cagayan de Oro today to lead the inauguration of the relocation site in Calaanan, Barangay Canito-an.

Gaya po ng ipinangako ng inyong gobyerno, matapos humagupit ang bagyong “Sendong” hindi natin hahayaang tuluyan kayong malugmok sa pagdurusa at kagipitan…. Mahigit isang buwan po ang nakalipas, nagtitipon tayo ngayon upang saksihan ang konkretong hakbang ng inyong pamahalaan upang tulungan ang mga nasalanta ng bagyo bIlang pagpapahalaga sa inyong tiwala at pagiging totoo sa aming mga binitawang salita.

Titiyakin natin sa relokasyong ito, hindi mapapatid ang suporta ng inyong pamahalaan sa pagkakaloob ng mga kabuhayan at paghubog sa inyong magandang kinabukasan…talaga naman pong nakakamit natin ang tagumpay sa pagtutulungan ng pamahalaan at ng pribadong sector.

Gamit ang DSWD Quick Response Fund… agad tayong naglaan ng mahigit dalawandaang milyong piso sa pagpapatayo ng permanenteng bahay sa Calaanan, nariyan din ang pag-agapay ng National Housing Authority at Habitat for Humanity upang tulungan ang mahigit walong libong pamilya na makapagtayo ng mga tahanan sa Lumbia, Balulang, Gusa, Idahag at Villanueva Misamis Oriental

Bukod pa rito, tinututukan na rin natin ang pagsasaayos ng mga inprastrakturang winasak ng bagyong Sendong, tuloy-tuloy din po ang paghahatid natin sa inyo ng mga pangunahing pangangailangan para maibalik sa normal ang inyong komunidad

Umpisa pa lamang po ito, iyong mga problema sa mga ilog po natin na talagang mabababaw na, nakaplano na po at gagawin na po ang mga imprastraktura tulad ng tinatawag na Sabo dam para talagang mabawasan yung dalubsok ng mga baha sa mga darating na panahon.

Paalala ko lang po, matuto na sana tayo sa ating mga kamalian at mga pagkukulang… huwag na sana tayong maging pasaway sabi nga ng iba… sumunod tayo sa ating mga kinauukulan sa panahon ng kalamidad at agarang lumikas sa banta ng sakuna

Inaasahan ko din sa mga pinuno na huwag nating kunsintihin ang mga katigasan ng ulo ng iilan ng kanilang sinasakupan.

Local government officials including Cagayan de Oro City Mayor Vicente Y. “Dongkoy” Emano, Representative Rufus Rodriguez and Charlito Ayco, Managing Director & CEO of Habitat for Humanity Philippines were present during the inauguration.

You may also like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *